Ang Malungkot na Bahay
Ang Malungkot na Bahay Isang araw, habang naglalakad papunta sa kabilang bayan para magtinda ng kanilang mga inaning gulay na talong at kalabasa ay biglang inabutan ng malakas na ulan ang mag-inang sina Aling Susan at ang labindalawang taong gulang na anak nitong si Romano. Tulak ang kanilang kariton ay dali-dali silang naghanap ng masisilungan. Nakalimutan ni Aling Susan na may bagyo palang paparating dahil naging abala na sila sa paghahakot ng kanilang mga paninda. Sila na lang ang magkasama sa buhay dahil wala na ang asawa nitong si Victor. Kailangan na kasi nilang makaabot ngayong araw sa palengke dahil kinabukasan ay araw ng lingo at sigurado maaga palang ay marami nang mamimili. Kaya kahit hindi nila kabisado ang daan sa bundok ay doon na sila dumaan para makarating kaagad sila sa palengke. Gamit ang karton bilang pantakip sa ulo ay ...