Posts

Showing posts with the label Maikling Kwento

One Shot Story

  Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman habang nakatingin ako sayo na nakatayo sa harap ng altar. Ang gwapo mo sa suot mong tuxedo. Napangiti ka pa nang makita mong nakatingin ako sayo. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Sa bawat hakbang palapit sa kinatatayuan mo ay mas lalong lumalakas ang tahip ng aking dibdib. Isa, dalawa, tatlong hakbang hanggang sa nasa harap na kita. "Alagaan mo mama ko. Sana mahalin mo siya at hindi iiwan tulad ng ginawa ni papa. Masaya ako para sa inyo." Hindi ko aakalain na imbes na ako ang bride ay ako yung maghahatid sa mama ko para ikasal sa lalaking nangakong ako lang hanggang sa huli.

Mula sa Bukid Hanggang sa Tagumpay

Image
  Mula sa Bukid Hanggang sa Tagumpay                   Malamig ang hangin. Presko. Alam mo na walang halong polusyon ang kanyang bawat paghugot ng hininga. Payapa. Malayo sa magulo at maingay na lungsod. Tahimik. Wala kang ibang na maririnig maliban sa pagaspas ng dahon ng mga puno at lagaslas ng tubig galing sa sapa sa hindi kalayuan. Para bang ang mundo dito ay humihinga ng dahan-dahan, may tamang galak at katahimikan. Habang naka-upo at naka-tanaw sa labas ay hindi niya mapigilang makaramdam ng galak. Pakiramdam niya ay nakapaswerte niyang tao dahil sa lugar na iyon siya nakatira.                   “Kuya Mark, sasamahan ko pa po ba kayo roon?” lumingon siya sa pinanggalingan ng boses. Si, Pom. Ang kanyang kasama sa bukid. Hindi naman iyon bukid na literal pero iyon na ang nakasanayan nilang itawag sa lupaing naman...