Artists Do Fall In Love-Chapter One
CHAPTER ONE- FATED ENCOUNTER “Don’t disturb. Don’t ever dare try to knock.” Napatingin siya sa pintuan ng kaharap na kwarto. May umokupa na rin pala roon. Nagkibit-balikat lang siya bago nagmamadaling tumungo sa kusina bitbit ang mga gamit niya sa pagpipinta. “Gandang umaga, Janine.” nakangiting bati sa kanya ng kasera niya, si Aling Susan. Hinango nito ang pritong itlog sa kawali at nilagay sa isang maliit na plato. “Gusto mong kumain?” “Hindi na po, Aling Susan. Sa school na lang ako kakain mamayang breaktime. May kailangan pa po kasi akong tapusin.” “Ganoon ba? Ikaw ang bahala.” Lumapit siya sa ref at kinuha ang pinalamig niyang tubig kagabi. Limang kwarto ang pinapaupahan ni Aling Susan. Sa ngayon, dalawa pa lang sila ng bagong lipat ang nagrerenta roon. Maliban kasi sa may kalumaan na ang bahay ay medyo malayo pa sa gate ng Central University kung saan siya nag-aaral ng BS Arts Major in Painting. Nasa huling taon na siya sa kolehiyo. Magkakilala...