Mula sa Bukid Hanggang sa Tagumpay
Mula sa Bukid Hanggang sa Tagumpay Malamig ang hangin. Presko. Alam mo na walang halong polusyon ang kanyang bawat paghugot ng hininga. Payapa. Malayo sa magulo at maingay na lungsod. Tahimik. Wala kang ibang na maririnig maliban sa pagaspas ng dahon ng mga puno at lagaslas ng tubig galing sa sapa sa hindi kalayuan. Para bang ang mundo dito ay humihinga ng dahan-dahan, may tamang galak at katahimikan. Habang naka-upo at naka-tanaw sa labas ay hindi niya mapigilang makaramdam ng galak. Pakiramdam niya ay nakapaswerte niyang tao dahil sa lugar na iyon siya nakatira. “Kuya Mark, sasamahan ko pa po ba kayo roon?” lumingon siya sa pinanggalingan ng boses. Si, Pom. Ang kanyang kasama sa bukid. Hindi naman iyon bukid na literal pero iyon na ang nakasanayan nilang itawag sa lupaing naman...