Disyembre 1, 2030 Dear Ana, Nagustuhan mo ba ang ibinigay kong pangalan sa iyo? Alam kong oo. Sorry at mula ngayon ay palagi na kitang kukulitin. Sina mama at papa kasi. Naririnig ko na naman sila. Nagsisigawan. Nagmumurahan. At nagkakasakitan. Narito ako ngayon sa loob ng aparador namin, nagtatago. Ayoko ko silang marinig. Nasasaktan ako. Disyembre 16, 2030 Dear Ana, Kumusta na? Alam mo bang unang araw ng simbang gabi ngayon? Pasko na pero hindi ko ramdam. Nag-aaway na naman sila. Nagkakasakitan ulit. Sinampal ni papa si mama. May tinatago raw siyang lalaki. Kitang-kita ko ang mga nangyari. Wala akong magawa kundi umiyak. Enero 1, 2031 Dear Ana, Happy New Year! Alam mo bang ito ang pinakamalungkot na araw sa buong buhay ko? Bagong taon ngayon pero hindi ko ramdam. Hindi kami naghanda at nagsaya. Nag-aaway na naman...