Kulay Dugong Grado
Marahan siyang umupo sa kanyang kama at napabuga ng malakas na hangin bago binuksan ang sulat galing sa Inang niya. Nanginginig ang mga kamay na pinunit niya ang dulo ng sobre at malakas ang tahip ng dibdib na sinimulang basahin ang nilalaman niyon. “Nak, sabik na kaming lumuwas diyan para sa araw ng pagtatapos mo. Nanghiram kami ng tatlong libong piso kay Kapitana para ibili ka ng bagong barong kaya huwag ka nang mag-aalala sa susuotin mo. Sabi pa ng tatang mo ay maglilitson daw kami ng manok at dadalhin diyan. Masyado siyang sabik sa pagtatapos mo. Gab, pinasaya mo ng labis ang Nanang at Tatang dahil nagawa mong tapusin ang kolehiyo kahit na naghihikahos tayo. Siyanga pala, sunduin mo kami sa pantalan sa darating na linggo. Hindi namin kabisado ang pasikot-sikot diyan at baka maligaw pa kami. Huwag mong kalimutan na magpasalamat sa Diyos. Mahal ka namin.- Inang at Tatang.” Biglang lumabo ang paningin niya sa nabasa. Hindi niya namalayan na ang mga lu...