Library Science? What's that?
LIBRary Science? What’s that? Kwento ng isang future Librarian Isinulat ni Charlyn Mateo Future Librarian Unang Kabanata (May ganyan pala?) “Good morning everyone. My name is Charlyn Mateo. Taking up Bachelor of Library and Information Science. I live in the seventh gate of this university.” “Hala? Mayroon pa lang ganyang course sa school?” “Ngayon ko lang yata narinig ‘yan?” “Anong gagawin niyo diyan?” “Boring ba ang course na ‘yan?” “Ano magiging trabaho niyo kapag naka graduate?” Palagi na lang. Wala na bang iba? Magtatatlong taon na akong nagpapakilala pero ganyan at ganyan pa rin ang naririnig kong mga reaksyon nila. I’m like, hello! We exist madlang people. Akala niyo lang wala pero andito kami! Alive and kicking. Minsan, parang gusto kong isagot sa tanong ng marami na, “Ano ang magiging trabaho niyo sa kursong iyan?” ng “Mag-aalaga kami ng baboy at manok.” Kaloka lang di’ba? Library Science nga di’ba, syempre related sa library ang magiging trabaho namin...