Posts

Showing posts with the label Kwentong Aswang

Manlalayog

Image
    Kahit sino ang tanungin mo, ang pinakamasayang pista na maaari mong maranasan ay sa probinsya mo matitikman. Kaya heto siya, kahit ilang beses   nasuka sa barko ay sulit naman dahil tulad nga ulit ng sabi ng karamihan, mas masarap ang hanging malalanghap mo probinsya. “Wow parekoy feel na feel natin ang hangin diyan a?   Gumagawa ka ba ng music video?” agad niyang binatukan ang kaibigang si John. “Tumahimik ka dyan, Siokoy! Tulungan mo si Andre na magbuhat ng isang aparador mong gamit.” Balik na asar niya rito. Ang dami kasi nitong dala. Dalawang maleta at dalawang backpack. May ilan pa itong paper bag na dala. Akala nga nila lilipat na ito ng probinsya. “Hoy! John, Rico nandito na ang sasakyan nating tricycle!” sasagot pa sana ito kaso tinawag na sila ni Andre na tagatak sa pawis dahil ito na yata ang nagbuhat sa lahat ng mga gamit nila. “Isang oras pa bago natin marating ang baranggay namin. Maliban sa tricycle ay wala na tayong ibang masasakyan kaya ...

Kweba

Image
              Buwan ng Marso. Araw ng biyernes. Huling araw bilang estudyante sa high school ang magkakaibigang sina Izza, Nestle, Elmer, Nea at Nygel. Halos wala na nga yatang klase dahil halos lahat ng kanilang mga guro ay abala na para sa preparasyon ng nalalapit nilang graduation kaya tambay na muna sila sa paborito nilang tambayan. Abala sila sa kung saan sila gagala sa darating na sabado. Dalawang linggo pa kasi bago sila mag-martsa. Ang ingay-ingay nilang lima dahil halos lahat ay may kanya-kanyang gustong puntahan.             “Guys naman! Malayo ang Palawan at tsaka may budget na ba kayo? Ang mahal kaya ng ticket papunta doon.” Agad na reklamo ni Nygel kaya tiningnan siya ng masama ni Nestle dahil siya ang suggest. Hindi nila alam kung ano ang mayroon sa dalawang iyan. Minsan sweet, pero madalas parang aso at pusa na palaging nagbabangayan.    ...

Baryo

Image
  BARYO   Soul searching. Hindi ito ‘yung literal na nawala ang kaluluwa mo kaya kailangan mong hanapin. Soul searching ang tawag niya sa bawat road trip niya ng nag-iisa. Siya kasi ang tipo ng tao na mas gustong gawin ang isang bagay ng walang kasama kasi mas nai-enjoy niya. Mas masaya at nararamdaman niya ang saya ng buhay kapag sarili lang niya ang dala-dala. Sa tuwing birthday niya ay nakasanayan na niyang mamundok at gumawa ng isang bagay na gustong-gusto niyang gawin. Kaya heto siya, sakay ng kanyang paboritong kotse na may disenyong baril at tangke de gyera. Mahilig kasi siya sa mga ganyang bagay dahil pangarap niya ang maging sundalo katulad ng kanyang papa noong bata pa siya. Isang liblib na baryo ang kanyang destinasyon kung saan naroon ang isang bundok na sinasabi nilang lugar kung saan makikita mo ang perpektong paglubog at pagsikat ng araw.   Nakita niya iyon sa google nung naghanap siya ng bundok na pwedeng akyatin. Hindi safe pero iyon ang mas nagpapa...

Funeral Home

Image
  Funeral Home     Nakataas ang dalawang paa sa upuan habang pinapapak ang banana cue na nabili niya kanina. Patawa-tawa pa siya habang nanonood ng paborito niyang drama tuwing gabi. Mag-isa lang siyang naka duty sa mga oras na iyon sa punerarya na pinagtatrabauhan niya dahil hindi makakapasok ang kasama niya. Manganganak na raw kasi ang misis nito ngayong gabi. Ang isa naman ay mala-late daw dahil nasiraan ang jeep na sinakyan. “Pansamantala po nating pinuputol ang inyong panonood dahil sa kapapasok lang na balita.   Isang pugot na ulo natagpuan malapit sa sementeryo. Sa kabilang baranggay naman natagpuan ang dalawang kamay at mga paa. Ang mismong katawan ay nakitang nakabalot sa itim na garbage bag malapit sa simbahan ng San Isidro. Ayon sa pulisya ay iisang lang ang nagmamay-ari ng mga putol na katawan na hanggang sa mga oras na ito hindi pa rin nakikilala. Hinihinala ng mga imbestigador na isang biktima ng Oplan Tokhang ang nasabing bangkay. Walang nakaki...