Posts

Showing posts from August, 2024

Licensure Examination for Librarians 2024

Image
  Conduct of the September 2024 Computer-Based Licensure Examinations for Librarians The Professional Regulation Commission (PRC) informs the public of the conduct of Computer-Based Licensure Examination (CBLE) for Librarians in National Capital Region, Davao, Legazpi, Lucena, and Rosales on September 10 & 11, 2024. For queries and concerns, please email Licensure Office at licensure.office1@prc.gov.ph and the concerned Regional Offices through their email address which can be found in this link: https://www.prc.gov.ph/regional-offices-contact-information  For updates, you may check the PRC website at www.prc.gov.ph and follow PRC official social media accounts at https://www.facebook.com/professionalregulationcommission and https://twitter.com/PRC_main #PRCExamAdvisory #PRCUpdates END.

From BLIS Student to Full-Fledged Librarian

Image
  My journey in taking a library science course has been anything but straightforward, marked by challenges, perseverance, and a deep passion for learning. Growing up, I always had a love for books and knowledge, but the path to becoming a librarian was filled with obstacles that tested my resolve. As a working student, I juggled my studies with responsibilities at my uncle’s computer shop, a situation that challenged my time management skills and resilience. Balancing classes, assignments, and my job was no easy feat. I vividly remember my typical day: waking up early to prepare for class, rushing to attend lectures, and then immediately heading to the library for my duty as library sttudent assistant. Time was a luxury I couldn’t afford. I had to prioritize tasks, often sacrificing sleep or social activities to meet deadlines. On particularly demanding days, the exhaustion would weigh heavily on me, and I would find myself questioning my ability to keep going. Would I ever be abl...

Provincial Library Conducts Storytelling and Book Donation

Image
  The Iloilo Provincial Library and Archives conducted storytelling and literacy activities for pupils in Jamin-ay Elementary School in Calinog, Iloilo. The Library also donated books to the school for use by their teachers and students. The library's storytelling program helps kids learn to read by sharing exciting stories. Listening to stories helps kids understand words, think about what they hear, and love books. (š‘ƒā„Žš‘œš‘”š‘œš‘  š‘Žš‘›š‘‘ š‘†š‘”š‘œš‘Ÿš‘¦ š‘š‘¦ š¼š‘™š‘œš‘–š‘™š‘œ š‘ƒš‘Ÿš‘œš‘£š‘–š‘›š‘š‘–š‘Žš‘™ šæš‘–š‘š‘Ÿš‘Žš‘Ÿš‘¦ š‘Žš‘›š‘‘ š“š‘Ÿš‘ā„Žš‘–š‘£š‘’š‘ )

Super Short Stories #4

Image
  "Bakit ayaw pa ring magising ni bunso, kuya?" tanong ko sa sampung taong gulang kong kapatid. "Hindi ko alam, pero hintayin lang natin. Si Coco Martin nga, binaril kagabi pero nakapag-guest pa sa palabas kanina." Tumango na lamang ako habang nakatingin sa kapatid naming naliligo sa sariling dugo, matapos naming pakialaman ang baril ni tatay.

Super Short Stories #3

Image
  Bumalik ulit ako sa nakaraan sa paraang hindi ko alam para iligtas ang isang babae. Tulad ng dati ay nahanap ko siya sa kanyang silid. Nakapatong sa isang maliit na silya at hawak ang isang tali. "Huwag! Please huwag mong gawin yan. " Tumingin siya sa kinaroroonan ko. Umiiyak, humagulgol. Kitang -kita sa kanyang mukha ang paghihirap. Tinangka ko siyang pigilan ngunit huli na ang lahat. Tumalon siya sa silya at ilang segundong nangisay bago tuluyang hindi na gumalaw. Nanghihina akong napaupo sa sahig. Sa ika sampung pagkakataon, hindi ko na naman nailigtas ang sarili ko.

Super Short Stories # 2

Image
  "Maghanap ka nga ng trabaho. Ang laki ng katawan hindi man lang naghahanap tapos manglilimos lang. Mga salot sa lipunan. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas!" Tiningnan ko ang lalaking aking hiningian ng kahit magkano lang para sa anak kong nakaratay sa ospital. Hindi ko makakalimutan ang kanyang mukha dahil siya ang nag interview sa akin kanina nang nag apply ako bilang janitor. Sinabi niya sa akin na hindi ako matatanggap dahil kahit elementarya ay hindi ako nakapagtapos. Siya ang nagsabing mas mabuti kung manglimos na lang daw ako sa daan.

Super Short Stories #1

Image
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman habang nakatingin ako sayo na nakatayo sa harap ng altar. Ang gwapo mo sa suot mong tuxedo. Napangiti ka pa nang makita mong nakatingin ako sayo. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Sa bawat hakbang palapit sa kinatatayuan mo ay mas lalong lumalakas ang tahip ng aking dibdib. Isa, dalawa, tatlong hakbang hanggang sa nasa harap na kita. "Alagaan mo mama ko. Sana mahalin mo siya at hindi iiwan tulad ng ginawa ni papa. Masaya ako para sa inyo." Hindi ko aakalain na imbes na ako ang bride ay ako yung maghahatid sa mama ko para ikasal sa lalaking nangakong ako lang hanggang sa huli.

Fleeting Thoughts at 12 midnight #1

Image
if time determines the future, then our fate is blur and not sure. if past is meant to be forgotten, how can we begin? your voice is an echo, like a fictional beau. it fades, it does not stay something that vanishes away you are like a maze, a conundrum that blaze. You are what I’m not. the south of every north.

Kulay Dugong Grado

Image
      Marahan siyang umupo sa kanyang kama at napabuga ng malakas na hangin bago binuksan ang sulat galing sa Inang niya. Nanginginig ang mga kamay na pinunit niya ang dulo ng sobre at malakas ang tahip ng dibdib na sinimulang basahin ang nilalaman niyon. “Nak, sabik na kaming lumuwas diyan para sa araw ng pagtatapos mo. Nanghiram kami ng tatlong libong piso kay Kapitana para ibili ka ng bagong barong kaya huwag ka nang mag-aalala sa susuotin mo. Sabi pa ng tatang mo ay maglilitson daw kami ng manok at dadalhin diyan. Masyado siyang sabik sa pagtatapos mo. Gab, pinasaya mo ng labis ang Nanang at Tatang dahil nagawa mong tapusin ang kolehiyo kahit na naghihikahos tayo. Siyanga pala, sunduin mo kami sa pantalan sa darating na linggo. Hindi namin kabisado ang pasikot-sikot diyan at baka maligaw pa kami. Huwag mong kalimutan na magpasalamat sa Diyos. Mahal ka namin.- Inang at Tatang.” Biglang lumabo ang paningin niya sa nabasa. Hindi niya namalayan na ang mga lu...

Puso

Image
                  Araw ng sabado.   Huling umaga ng buwan ng Nobyembre. Bukas, pagsikat ng araw ay magsisimula na akong magbilang ng mga nalalabing araw bago ko muling makikita si Mama. Masaya ako na natatakot. Masaya dahil sa wakas, matapos ang halos anim na taon ay makikita ko na siyang muli. Natatakot dahil baka hindi na niya ako maabutan.             “Emily, may masakit ba sa iyo? Sandali, tatawag ako ng nurse.” Pinigilan ko si Ate Faith sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang kanang braso.             “Okay lang ako, Ate.” pinilit kong ngumiti sabay pahid sa mga luha sa aking pisngi na hindi ko namalayang tumulo na pala. “Naalala ko lang si Mama. Gusto ko na siyang makita.”             “Kami rin naman. Lahat naman yata tayo ay sabik n...

Manlalayog

Image
    Kahit sino ang tanungin mo, ang pinakamasayang pista na maaari mong maranasan ay sa probinsya mo matitikman. Kaya heto siya, kahit ilang beses   nasuka sa barko ay sulit naman dahil tulad nga ulit ng sabi ng karamihan, mas masarap ang hanging malalanghap mo probinsya. “Wow parekoy feel na feel natin ang hangin diyan a?   Gumagawa ka ba ng music video?” agad niyang binatukan ang kaibigang si John. “Tumahimik ka dyan, Siokoy! Tulungan mo si Andre na magbuhat ng isang aparador mong gamit.” Balik na asar niya rito. Ang dami kasi nitong dala. Dalawang maleta at dalawang backpack. May ilan pa itong paper bag na dala. Akala nga nila lilipat na ito ng probinsya. “Hoy! John, Rico nandito na ang sasakyan nating tricycle!” sasagot pa sana ito kaso tinawag na sila ni Andre na tagatak sa pawis dahil ito na yata ang nagbuhat sa lahat ng mga gamit nila. “Isang oras pa bago natin marating ang baranggay namin. Maliban sa tricycle ay wala na tayong ibang masasakyan kaya ...