Pagtatampok ng Lemlunay, bagong Aklat ni Virgilio Almario
Pagtatampok ng Lemlunay, bagong Aklat ni Virgilio Almario Noong November 13, 2024, ako ay isa sa naimbitahan sa pagtatampok ng bagong aklat ng nag-iisang si Sir Virgiol Almario na mas kilala sa pangalang Rio Alma. Siya ay isang National Artists at magaling na manunulat. Ako ay lubos na nasiyahan sa pakikinig sa kanyang napakagandang lecture tungkol sa kahalagahan ng pagpapahalaga sa ating kultura at kasaysayan bilang mga Pilipino. Sa mga salita ni Sir Almario, nahanap ko ang mga sagot sa ilang tanong na matagal ko nang iniisip: Paano ba natin mamahalin ang ating bayan kung hindi natin nauunawaan at hindi natin pinahahalagahan ang ating pinagmulan? Isa sa mga unang bagay na itinampok ni Sir Virgilio ay ang pagkawala ng ating katutubong kultura—ng ating mga sining, kwento, at tradisyon. Isa raw sa mga pinakamalungkot na realidad ng ating kasaysayan ay ang pagkawala ng mga indigenous items —mga kasuotan, gamit, mga likhang sining—na minsang nagsilbing bahagi ng ating kasaysayan at kultur...