Super Short Stories #4
"Bakit ayaw pa ring magising ni bunso, kuya?" tanong ko sa sampung taong gulang kong kapatid. "Hindi ko alam, pero hintayin lang natin. Si Coco Martin nga, binaril kagabi pero nakapag-guest pa sa palabas kanina." Tumango na lamang ako habang nakatingin sa kapatid naming naliligo sa sariling dugo, matapos naming pakialaman ang baril ni tatay.