Library Science? What's that?
LIBRary Science? What’s that?
Kwento ng isang future Librarian
Isinulat ni
Charlyn Mateo
Future Librarian
Unang Kabanata
(May ganyan pala?)
“Good morning everyone. My name is Charlyn Mateo. Taking up Bachelor of Library and Information Science. I live in the seventh gate of this university.”
“Hala? Mayroon pa lang ganyang course sa school?”
“Ngayon ko lang yata narinig ‘yan?”
“Anong gagawin niyo diyan?”
“Boring ba ang course na ‘yan?”
“Ano magiging trabaho niyo kapag naka graduate?”
Palagi na lang. Wala na bang iba? Magtatatlong taon na akong nagpapakilala pero ganyan at ganyan pa rin ang naririnig kong mga reaksyon nila. I’m like, hello! We exist madlang people. Akala niyo lang wala pero andito kami! Alive and kicking. Minsan, parang gusto kong isagot sa tanong ng marami na, “Ano ang magiging trabaho niyo sa kursong iyan?” ng “Mag-aalaga kami ng baboy at manok.” Kaloka lang di’ba? Library Science nga di’ba, syempre related sa library ang magiging trabaho namin. Hindi ako galit, nagpapaliwanang lang dahil ang totoo, katulad din nila akong hindi alam na may ganito palang kurso three years ago.
So, ano nga ba ang kursong Library and Information Science? Tulad ng sinabi ko, nag-aaral kami para maging Librarian o Information Specialist. Pwede rin kaming magturo kung gusto namin. Ang BLIS ay maaaring under sa Computer Studies o Arts and Sciences pero sa school namin, nasa ilalim kami ng College of Education. Mga Librarian ang nagtuturo sa amin kaya medyo hindi kami close sa ibang mga kumukuha ng education majors. Hindi rin kami masydong kilala ng mga Professors sa Educ subjects namin. Mahirap lalo na kapag may groupings activities by majors tapos mag-isa ka lang na kumukuha ng Library Science. All by myself lang ang peg pero doon nasusukat kung gaano kakapal ang mukha namin na maki join sa iba. Biro lang.
Ang maganda sa kursong ito ay ang availability ng mga trabahong puwede naming pasukan kapag nakapagtapos na kami. Hindi kami nangangamba na baka sa pagiging call center o saleslady ang bagsak namin dahil maraming oportunidad ang naghihintay oras na maka graduate kami. Aminin natin sa hindi pero iyan ang realidad sa ngayon. Marami ang naghihirap makapagtapos ng pag-aaral pero sa mga trabahong napakalayo sa kanilang pinag-aralan ang bagsak nila. Sa kaso namin, maraming organisasyon, paaralan, at unibersidad ang naghahanap ng mga propesyonal na Librarian ngunit konti lang mga lisensyadong Librarians at halos doble sa bilang nila ang kinakailangan. Halos isang porsyento lang walang trabaho sa mga graduates ng kursong BLIS. Karamihan sa kanila ay mga Librarian o di kaya ay may trabahong may kinalaman pa rin sa pagbibigay ng mga impormasyon.
Ano ba ang meron sa kursong iyan? Ano ba pinag-aaralan namin? Hindi kami nag-aaral kung paano magtanggal ng alikabok sa shelves o maglagay ng mga libro sa cabinet para hindi masira. Marami kaming dapat matutunan. Nag-aaral kami ng tamang paglagay ng salamin sa mata at pagtali ng buhok na wala isa mang hibla na maliligaw sa pisngi. Biro lang ulit. Ito na talaga. Pinag-aaralan namin kung paano mag-evaluate ng mga librong maaaring bilhin. Hindi kasi pwede bumili ng basta-basta lang. May mga acquisition policy na sinusunod. Sunod ay ang pag-oorganisa ng mga na-acquired na books. Kung may trigonometry ang Engineering, java script ang Computer Science, dosage calculations ang Nursing, ang Library Science ay mayroong Cataloging. Wala kaming pinagkaiba sa mga sundalong survivor sa isang gyera matapos naming makuha ang cataloging one and two. Palagi nga naming sinisi si Melvil Dewey kung bakit nag-imbento pa siya ng apat na volume ng tig dalawang inches ang kapal na Dewey Decimal Classification na nakakahilong tingnan at may kabigatan pa. Sa subject din na iyan, importante sina tuldok, gitling, kuwit, elipsis, at panaklong. Isang maling pagkakagamit lang sa mga bantas na iyan, bawas puntos na sa exam. Mahirap pero nagiging metikuloso ka. Matutunan mo na dapat nasa tamang ayos ang lahat. Sa subject na iyan, na realize namin na ang pagiging Librarian ay hindi madali. Kailangan na may dedikasyon kang matuto kasi kapag hindi, maiiwanan ka. At bago ko makalimutan, kasama din sa pinag-aaralan namin ang Library of Congress Classification na may apat na volume rin na basehan. Challenging kasi kung ang DDC ay two inch lang, ang LCC ay aabot ng three inches ang kapal. Astig diba? Kasama rin sa pinag-aaralan namin ang pagpapatakbo ng isang Library, pagsagot sa mga tanong ng mga kliyente, at ang pinakaimportante sa lahat ay kung paano mo maibibigay sa mga kliyente ang pinakamabilis at de kalidad na serbisyo. We exist to serve our client.
Marami kaming pinag-aaralan. Mahirap pero masaya lalo na kung ang nagtuturo ay katulad naming may katok din sa utak. Nahahaluan ng tawanan ang diskusyon. Hindi nagiging boring ang talakayan. May mga oras na gusto na naming lumipat na lang kurso dahil sa hirap ng pinapagawang poject pero sa huli, narealize namin na ganoon talaga kapag nag-aaral. Lahat naman ng estudyante nararanasan iyan. Hindi lang kami. Sabi nga ng instructor namin sa children’s literature na subject,
“Walang subject na madali, lahat mahirap. Pwede kong gawing madali ang subject pero ayaw ko kasi, konti lang ang matutunan niyo.”
Naging number one sa hated list namin si Ma’am pero sa huli, nasabi namin na tama siya kasi natuto kami ng husto. We learned a lot from her. Syempre pa, mataas ang gradong binigay niya sa amin. Sabi pa niya, binigay niya sa amin ang deserve naming grado. Mayroon ding prof na kung magbigay ng exam ay parang pang board exam na kasi wala naman iyon sa na-discuss namin. Ang ingay-ingay ng lahat habang lukot ang mga mukhang taong ng tanong kung sino ang nagreport niyon. Huli na nang nalaman namin na questions sa board exam nga pala talaga iyon kinuha. Syempre may isa rin kaming teacher na binabali ang Principles of test construction. Dapat true lagi ang sagot sa number one pero sa kanya false. Kaloka lang pero ganoon talaga ang buhay estudyante. Iniisip na lang namin na naka survived kami sa elementary at high school. Ilang hakbang na lang bago kami matawag na professional Librarian. Ngayon pa ba kami susuko? Konting push na lang, kaya namin ito. Magiging Librarian kami.
Ikalawang Kabanata
(Bakit iyan?)
Maraming nagtatanong, bakit daw ito ang kurso kong kunuha? Bakit nga ba? Noong una, katulad ng karamihan, hindi ko rin alam na may kurso palang ganito. Ang balak ko talagang kunin ay Archeology sa UP pero walang budget at bigla akong naintimidate kaya nagdecide akong Education na lang, major in History. Nabago lang noong interview ko na sa pag-apply ng working student. Librarian ang interviewer at kakilala ng tito ko. Tinanong niya ako bakit hindi na lang daw Library Science kunin ko? Napa-isip ako bigla. Bakit hindi? Sabi ko sa sarili. Naisip ko na malay ng mga ulap sa langit at isda sa dagat na iyon pala ang nakatadhanang kurso para sa akin kasi adik ako sa pagbabasa ng mga libro at nagsisimula na ring magsulat ng mga kwento. Isa pa, sabi ng tito ko nang sabihin ko sa kanila na iyon na nga ang kukunin ko, mas okay daw kasi mas maraming job opportunities. Kaya heto, konting push na lang at magiging Librarian na talaga ako.
Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng mga kasamahan ko kung bakit Library Science ang kanilang piniling kurso.
Ang Babaeng Maraming Crush :
Noong pumasok na ako sa malaking unibersidad ,hindi ko inisip kung ano ang kukunin kong kurso. Maraming nagsabi na mag library Science na lang daw ako. Kaya ito na lang ang kinuha ko. Gusto ko sanang mag IT kaso sabi ko baka mahirap ito. Kaya ito na lang pinili ko dahil indemand naman ito sa labas ng ating bansa.
Nasa 3rd yr. College na ako at hindi ko nanghihinayang sa kursong kong pinili. Medyo mahirap ang mga major sub. Kinakaya ko naman ito at nalampasan.
NO REGRETS!.
Miss Best in Talent :
Noong kumuha ako nang entrance exam hindi ko alam kung anong kurso ang kukunin ko pero pumapasok sa isip ko na parang mag titser na lang ako. Pero talagang ayaw kong maging guro mula pa nung bata pa ako. Sinasabi ko na hindi ako magiging guro. Pero wala na akong choice. Kumuha ako dahil mahina naman ako sa math kapag Engineering o CBA. Noong una, nag-major ako in Social Studies ako pero nag shift ako dahil ang daming magagandang sinasabi ang tita ko tungkol sa Library Science. Maraming oportunidad , madaling makuha dahil iilan lang kayo at in-demand.
Rampa Girl :
They forced me to get this course.. In tagalog.. Napilitan lang ako pero habang tumatagal natutunan ko namang mahalin ang course na ito. The shorter the better di’ba?
Times New Roman :
Why did I choose Library Science? Owryt! Actually ‘di ko alam kung ano sasabihin ko, Noong first year college na ako, ‘di ko talaga alam kung ano kukunin ko na kurso, tapos noong narinig ko nakukuha ng Library Science si Grace ayun kumuha narin ako, In short gaya-gaya. Gusto ko sana mag HRM, kaso yung problema, wala akong height. Owryt! Sad diba? Kaya Lib. Sci na lang. Natutunan ko na rin mahalin itong kurso na ito. Kahit minsan mahirap ang mga subject namin. Nakakaloka naman kasi mag indexing at mag catalog. Dapat talaga mahaba ang pasensya mo. Minsan naisip ko na lang bigla na mag shift ng kurso. Sa totoo lang talaga hindi ako mahilig mag basa ng mga libro pero iyon nga sabi nila in demand daw at madaling magkaroon ng trabaho. Kaya sabi ko tatapusin ko na lang yung kursong ito, baka dito talaga ako dinala ng Tadhana.
Taken :
Sa totoo lang hindi ko talaga gusto ang Lib. Sci. kaya lang, nang may nagsabi sa akin na maganda raw ito. Napilitan lang ako kasi ang talagang gusto ko ay kumuha ng kursong criminology.
Opo. Karamihan sa amin, napilitan lang kunin ang kursong ito dahil tulad ng sabi ko kanina, tulad niyo ay hindi rin namin alam na may ganito palang kurso. Tiyak na trabaho, may backer, Librarian ang Tatay at Kuya, may kamag-anak na may-ari ng paaralan, at gumaya lang sa kaibigan. Diyan umiikot ang halos lahat ng dahilan ng karamihan. Marami sa amin, iba ang gustong kunin. Life is a learning process. Kapag gusto mong matuto kahit na hindi iyon ang first choice mo, you’ll definitely learn. May mga bagay na ayaw mo sa una pero habang tumatagal ay unti-unti mo nang minamahal dahil namumulat ka sa mga magagandang bagay na maibibigay niyon sa iyo. Hintayin mo lang ang moment na marealize mong, “Okay, I understand now. I am destined to become a Librarian. I am fated to serve my future clients.” Masarap maging Librarian. Marahil ay hindi pa namin nararamdaman dahil sa nag-aaral pa lang kami pero sa tuwing nakikita ko ang mga Librarian namin sa library na dedikado sa trabaho at proud sa kanilang propesyon, nasasabi ko sa sarili ko na, “I did a right choice. Hindi ako magsisi na ito ang kursong kinuha ko. Makikita ko rin sa mukha ko ang mga ngiting nakikita ko sa kanila.”
College is a battlefield. We will provide your weapons. Naging motto ko iyan since first year. Tinatatak ko sa isip na hindi lang ako basta librarian. May malaki kaming partisipasyon sa pag-aaral ng mga estudyante. Naiinis ako kapag may mga taong nagmamaliit sa napili naming kurso. Librarian lang “daw” kami. Walang thrill. Boring. Nakaka-antok. Malaking saksak ang mga salitang iyon sa amin. Librarianship has evolved together with technology and we received the biggest impact. Sumasabay kami sa pag-unlad. As long as education exists, we will never vanish.
Ang pagpili ng kursong ito ay pagpili ng daang tatahakin namin sa hinaharap. Isang napakalaking desisyon dahil mahirap kapag malapit ka nang makapagtapos bago mo marealize na hindi pala ito ang kursong gusto mong kunin. Katulad ng isang kaklase ko. Sinabi niyang gusto niyang mag shift na sa kursong Tourism ngunit agad naming kinontra ang desisyon niya. Hindi naman sa pinangungunahan namin pero isang taon na lang ang gugulin niya bago makatapos. Sayang kung lilipat pa siya. Sigurado akong hindi lang siya ang may ganitong kaso. Marami ang mga katulad niyang gustong lumipat ngunit sabi ko nga, sayang. Sayang ang panahon at oras. Ang ilang baso ng kape na nainom mo para maghanda sa exam. Sayang ang pera. Sayang ang effort mong magtiis sa traffic. Sayang ang pasensya mo sa pakikinig sa prof mong kwento ng kanyang buhay ang topic sa discussion. Maraming sayang pero ang pinakasayang sa lahat ay yung expectation ng mga magulang na magtatapos ka na pero hindi pa pala.
Marami ring lateral enrollees sa Library Science. Mga propesyonal na pero gustong maging Librarian. May mga teller sa bangko, madre, empleyado ng mga pribadong kompanya, propesor, at opisyal sa gobyerno. Isa rin sa pinagmamayabang ng kurso namin ang mga International students na galing pa sa ibang bansa sa asya para mag-aral ng masteral sa Library Science na ang focus ay pamamahala ng theology section. Kahit nosebleed kami kapag kinakausap namin sila, okay lang. Ang mahalaga, masaya kami dahil pinili nila ang programang ito.
Ngayon, alam ko na ang dahilan kung bakit ito ang kursong kinuha ko. I love books and I love to serve other people through books. Kung tatanungin niyo ulit ako kung bakit ito ang pinili ko ten years from now, sasagutin kita ng may ngiti sa labi habang nakaupo sa loob ng aking de-aircon na opisina bilang Director of Library. “ I love books and I love to serve other people through books.” Iyan pa rin ang isasagot ko.
Hindi mo kailangang maging adik sa mga libro o mahilig magbasa para maging kwalipikado sa kursong ito.
Ikatlong Kabanata
(Kumusta naman?)
Kumusta nga ba? Masaya? Mahirap? Okay lang?
Sagot ko? Masaya na mahirap na okay lang.
Masaya dahil mas close kayo ng mga kaklase mo dahil iilan lang kayo sa klase. Walo lang kami. Ang ibang year sampu samantala ang lower years ay may mas mababang bilang. Ito ang maganda kapag konti lang kayo. Mas nakikilala niyo ang isa’t isa. Hindi namin mararamdaman na magkaklase lang kami dahil mas higit pa roon ang turingan namin. We defy the quote, “The more the merrier” kasi sa amin mas masaya kami dahil konti lang ang bilang namin. Walang awkward moment sa klase dahil komportable kaming kasama ang bawat isa. Minsan nga nasabi ko sa sarili ko, “I got the best classmates ever.” Bakit? Simple lang. Alam nating walang perpektong tao. Lahat may problema, sa pag-uugali man yan o pananaw sa buhay. We respect each other’s flaws and perception in life. Minsan, dinadaan namin sa biro ang mga bagay-bagay. Hindi rin kami nag-aalangan na sabihin amg mga personal na problema na meron kami sa sarili naming tahanan. We let each other knows even the most deepest secret we hide. Bakit? Dahil may tiwala sa pagsasamahan at iyon ang dahilan kung bakit masaya. Masaya dahil ang bonding na meron kami ay hindi katulad ng mga ephemeral serials na hindi nagtatagal dahil ang mga karanasan ng mga ginawa naming kalokohan ay hindi sasamang lilipas sa pag-agos ng panahon. Mga adventure na pag-uusapan namin at pagtatawanan kapag matanda na kami. Mga karanasan na kay sarap alalahanin at balik-balikan.
Mahirap. Mahirap dahil sa pahirapan ang paghahanap ng schedule sa klase. Tulad ng nabanggit ko, Librarian ang nagtuturo sa amin. Hindi sila pwedeng magturo sa oras ng kanilang trabaho. Kung hindi sobrang aga, gabi o di kaya ay sabado ang kadalasang schedule namin. Ngayong third year, buong sabado ang klase namin. Plot twist, iisa pa teacher namin diyan. Nakakapagod umupo mula alas syete ng umaga hanggang alas singko ng hapon. Minsan nga, naisip ko kung nagsasawa na ba si Sir sa mga pagmumukha namin dahil kami ang nakikita niya buong araw. May part din na masaya dahil sabay kaming kakain ng tanghalian. Parehas pang pritong manok with bread crumbs ang ulam. Kung minsan, kasali pa namin sa napakaingay na kainan si Sir. Sa usaping subjects naman. Maraming mahirap. Baka abutin tayo ng hanggang sampung kabanata kung isa-isahin ko. Pero lahat ng hirap na iyon ay worth it dahil doon
Okay lang. Okay lang dahil nasasanay na rin habang tumatagal. Wala pang enrollment, alam na kaagad kung ano ang mga possible time and days ng klase namin. Nasasanay na kami sa mga bagay na nahihirapan kami sa umpisa. Lahat ng mga nakakaiyak noon ay madali na naming nagagawa ngayon. Kailangan lang i-adjust ang sarili. Natutunan naming maging bukas sa mga pagbabago. Mas madali kasing sumunod sa agos kaysa salungatin ito.
Sa simula, talagang tinatanong ko sa sarili ko kung kaya ko ba. Kakayanin ko ba hanggang sa huli? Paano kung bigla akong atakehin ng katamaran at titigil sa kalagitnaan? Hindi ba ako maliligaw ng landas? Ano ang gagawin ko kung hindi mabuting tao ang magiging kaklase ko? Maraming tanong na parang kabute na nagsulputan sa utak ko. Takot akong magsimula ng isang bagay dahil mas nakakatakot na may halong sakit kapag hindi ko iyon natapos sa bandang huli. Sisihin ko ang sarili ko. I’m afraid that I’ll end up blaming myself for not doing my best .
Kumusta ang buhay ko bilang BLIS student? It’s the best. Habang tumatagal, alam kong makakaya ko hanggang sa huli. Atakehin man ako ng katamaram, palagi kong inuukit sa aking isipan ang pangarap na binuo ko para sa aking pamilya. Mga mabuting tao ang naging kaklase ko kaya alam kong hinding-hindi ako maliligaw ng landas. Napunta ako sa mundong tanggap ako at tanggap ko sila. Nagkakaroon ang hindi pagkakaunwaan paminsan-minsan pero agad din namang nareresolba. Kapag importante kasi sayo ang isang tao o ang pagkakaibigan mismo, hindi niyo hahayaang mawasak iyon ng mga bagay at pangyayaring na natural na nangyayari sa buhay ng isang tao.
Dumadating sa puntong parang ayaw ko na. Mahirap kasi. Nakakabagot magsaulo ng uri ng budget at paggawa ng dream library. Talo pa ang hinalukay ang loob ng utak ko sa tuwing parating na ang major exams namin sa cataloging at indexing. Isama pa natin ang management at special library na ang daming mga pangalan at taon na dapat i-memorize. Mga mahirap na bagay na dapat pag-aralan ng mabuti dahil magagamit din naman iyon sa huli. Kaya naman tayo nag-aaral kasi gusto nating maging propesyonal. Walang taong naging matagumpay sa loob lang ng isang gabi. Sabi nga ni Lola Nidora, Lahat ng bagay ay pinaghihirapan at pinagtatyagaan. Lahat ay dumadating sa tamang panahon. Kapag gusto kong maging Librarian, dapat pag-aralan ko lahat ng mga teorya at pananaliksik tungkol sa kursong ito.
Nilalaay ko lang palagi sa isip ko na dapat makapagtapos ako. Palagi ko kasing naririnig sa mga taong marami nang karanasan sa buhay na kapag may gusto kang abutin, lahat gagawin mo para maabot iyon. Isipin mo lang na kaya mo nang sa ganoon ay, “Mabuting-mabuti” ang sagot mo sa tuwing may magtatanong kung kumusta ang pag-aaral mo.
(to be cont...)

Nakaka inspired ka :) ipagpatuloy mo lang yan. Isa din akong 3rd year college na kumukuha sa kursong ito. Noong una ay diko maintindihan bakit ito yong kinuha ko , pero sa kalaunan ay napamahal na ako. Salamat at pinalakas mo loob ko at mapa isip ako na tama ang kursong pinili ko 😍😍💕
ReplyDeleteWow! Kanami gd ma'am, sa ikatlong kabanata gd ako naka relate. Katu hambal mo (wave back kang 02/02/2016) nakaupo sa loob ng aking de-aircon na opisina bilang Director of Library. Walo na kaja gatuig kang ge hmbl hmbl mo ra, kaya School Librarian kana. Ayyiiiee, blessed beyond measure ka gid ma'am.. I'm so proud of you!
ReplyDeleteNapunta ako sa mundong tanggap ako at tanggap ko sila.(Response:Nami2 gd ya Ma'am Cha hud hehehe, masaya ako para saiyo. Amo gd ra ang importante sa tanan by ang amo ra HAHAHHA)
DeleteLahat ng bagay ay pinaghihirapan at pinagtatyagaan. (Response: Yes, true gd tana ra, amo mn ra hmbl tatay kanamon)
Kapag may gusto kang abutin, lahat gagawin mo para maabot iyon.(Daw ma cry ako ja kaya ba hehehe)