Artists Do Fall In Love-Chapter One
CHAPTER
ONE- FATED ENCOUNTER
“Don’t disturb. Don’t ever dare try to knock.”
Napatingin siya sa pintuan ng kaharap na kwarto. May
umokupa na rin pala roon. Nagkibit-balikat lang siya bago nagmamadaling tumungo
sa kusina bitbit ang mga gamit niya sa pagpipinta.
“Gandang umaga, Janine.” nakangiting bati sa kanya
ng kasera niya, si Aling Susan. Hinango nito ang pritong itlog sa kawali at
nilagay sa isang maliit na plato. “Gusto mong kumain?”
“Hindi na po, Aling Susan. Sa school na lang ako
kakain mamayang breaktime. May kailangan pa po kasi akong tapusin.”
“Ganoon ba? Ikaw ang bahala.”
Lumapit siya sa ref at kinuha ang pinalamig niyang
tubig kagabi. Limang kwarto ang pinapaupahan ni Aling Susan. Sa ngayon, dalawa
pa lang sila ng bagong lipat ang nagrerenta roon. Maliban kasi sa may kalumaan
na ang bahay ay medyo malayo pa sa gate ng Central University kung saan siya
nag-aaral ng BS Arts Major in Painting. Nasa huling taon na siya sa kolehiyo.
Magkakilala ang kanyang lolo at Aling Susan kaya kahit ganoon ay mas pinili
niyang dito na lang mangupahan. Mag-a-apat na taon na rin siyang nangangasera
kay Aling Susan.
Dito sila nakatira Ocassus ng kanyang lolo at lola
rati ngunit umalis sila para ipagamot ang kanyang lolo roon sa Maynila. Mula
nang umalis sila rito ay wala na silang bahay na babalikan dahil nabenta na
nila iyon para magpatayo ng maliit na sari-sari store sa Maynila. Dito lang
kasi sa Central University nago-offer ng kursong gusto niya kaya wala siyang ibang
choice kundi ang mangupahan ng bahay. Mabait si Aling Susan. Biyuda na ito at
ang dalawang anak na babae ay may sarili na ring pamilya. Hindi naman ito
nahihirapan dahil may pensyon itong natatanggap tuwing katapusan dahil dati
itong guro sa high school. Galing si Aling Susan sa malayong probinsya.
Napadpad daw ito sa Ocassus dahil sa paghahanap sa anak nitong minamaltrato ng
asawa. Nang mamatay ang anak ni Aling Susan ay mas pinili nitong bilhin ang
lumang bahay na iyon bilang alala sa pumanaw nitong anak. Doon daw kasi tumira
ang anak nito sa loob ng ilang taon at doon na rin ito nalagutan ng hininga.
“May bagong lipat na po pala sa kabilang kwarto?”
bigla niyang naitanong. “Mukhang mataray base sa nakasulat sa signboard sa
pinto niya. Take note, English.” aniya pagkatapos ay tumawa.
Lumapit ito sa kanya at tinapunan ng tingin ang
kwarto ng bagong lipat. “Iyan nga pala ang sasabihin ko sa’yo.” Napakamot ito
ng ulo. “Hindi ba at sinabi kong mga babae lang ang kukunin ko?”
“May problema po ba?” kunot ang noong tanong niya
Hinila siya nito palabas.
“Ano kasi. ang bagong lipat…” parang hirap na hirap
itong sabihin sa kanya ang tungkol sa bagong lipat. “Hindi siya babae.” anito
sa mababang boses.
“Po? Akala ko po ba puros babae lang kami?” gulat na
bulalas niya. Hindi sa nag-iinarte siya pero ayaw niyang may kasama siyang
lalaki sa iisang bubong.
“Kaya nga ayaw ko sanang tanggapin kagabi nang
dumating pero nagpupumilit.”
“Dapat sinabi niyong maghanap na lang siya ng iba.”
Muli itong sumulyap sa loob ng bahay.
“Nirentahan niya ang tatlo pang natitirang kwarto.
Ayoko pa rin sanang pumayag kaso naglabas kaagad siya ng pera at handang
magbayad ng doble.”
“Ganoon siya kayaman?” mulagat na tanong niya.
Dalawang libo ang renta bawat kwarto
kaya nangangahulugan na sixteen thousand buwan-buwan ang babayaran nito.
Malaking pera na iyon para sa katulad niyang abuelo at abuela lang ang
sumusuporta para makapag-aral siya.
Ngumuso ito sa bandang kaliwa ng bakuran. May nakita
siyang itim na kotse roon. Mayaman nga siguro dahil may sariling kotse.
“Mukha naman po bang mabait? Baka masamang tao iyon,
Aling Susan.”
“Hindi naman siguro. Mukha naman siyang disenteng
manamit at edukado kung magsalita. Hindi mo naman siguro ako masisi kung baliin
ko ang patakaran, di’ba?”
Ngumiti na lang siya. Ano pa nga ba ang magagawa
niya. Isa pa, ito ang may-ari ng bahay kaya maaari nitong gawin ang lahat ng
gusto nito sa bahay.
“Okay lang naman po sa akin basta mabait siya at
hindi gagawa ng kung anong katarantaduhan. Mukhang magkakasundo naman kami
dahil parehong kaming ayaw madistorbo..”
“Naku, salamat talaga, Janine.”
“Walang anuman po, Aling Susan. Paano, mauna na po
ako. Pakisabi na lang sa bagong lipat na welcome kamo.”
“Sandali, Janine!” pahabol ni Aling Susan na mabilis
na sumunod sa kanya.
Agad niyang tinakbo ang maliit na hardin sa kaliwa
ng bahay para kunin ang bulaklak na binili niya bayan kahapon para ipinta.
Bigla siyang napatigil nang makita ang pinaglagyan
niya ng paso. Basag na iyon at nalanta na ang kulay dilaw nitong bulaklak na kagabi
lang ay kayganda pang tingnan. “S-Sino ang gumawa nito…” wala sa sariling
sambit niya habang lupaypay ang magkabilang balikat na pinulot ang basag na
paso.
“Janine… iyan pa sana ang sasabihin ko sa iyo.”
Nilingon niya ang matanda.
“May pusa po bang umakyat kaya nahulog ang paso?”
Nanlulumo pa rin ang boses na tanong niya. May alaga kasi itong pusa.
Napakamot na naman ito ng ulo. “Hindi.. Ganito kasi,
Iha. Kwan, paano ba ito?’
“I accidentally ran into it while parking my car
last night.”
Sabay silang napalingon sa baritonong boses na
nagmula sa likuran nila. Lalaki. Magulo ang buhok nito. Parang inaantok pa ang
itsura. Gusot ang suot na puting t-shirt at boxer short. Napangiwi siya nang
dumako ang tingin niya sa mata nitong may makapal na eyeliner.
Agad na lumapit si Aling Susan dito.
“Gising ka na pala, Irvin. Siyanga pala, siya si
Janine, ang okupante sa kaharap na kwarto mo.” pakilala ng matanda.
“How much?” biglang tanong nito sabay hikab.
Hindi niya maiwasang magtaas ng kilay. “Ako ba ang
kinakausap mo?”
“I said how much?” pinasadahan siya nito ng tingin.
“Sabi ko magkano ang vase na nabasag ko? Ten? Twenty pesos?”
Mas lalong tumaas ang kilay niya sa tanong nito.
Iniinsulto ba siya nito?
“Isang libo!” taas noong sabi niya. “Paso pa lang
iyan. Karagdagang isang libo para sa bulaklak.”
“Janine!” Hindi napigilang bulalas ni Aling Susan.
Para itong pusa na hindi maihi na pupunta sa kanya tapos babalik din sa
lalaking tinawag nitong Irvin.
“I’ll pay it. Kukunin ko lang sa loob ang tseke.
Ikaw na ang bahalang mag withdraw sa bangko. Marunong ka ba? Magpasama ka kay
Aling Susan kung hindi ka marunong.” parang wala anumang sabi nito bago pumasok
sa loob.
Siya naman ay naiwang pilit na pinipigilan ang
sarili na huwag ibato rito ang hawak na basag na paso. Agad siyang dinaluhan ng
matanda.
“Janine, huwag mo nang patulan.”
“Kumukulo ang dugo ko Aling Susan. Akala ko ba
mabait at edukado kung magsalita? Mukha siyang adik.” inis na sinipa niya ang
gulong kotse nito.
“Baka puyat lang. Nakita ko kasing buong magdamag na
bukas ang ilaw ng kwarto niya.”
“Puyat din naman ako pero hindi ako nagiging walang
modo kahit na dalawang araw pa akong walang tulog.”
“Kow, hayaan mo na.”
Naiinis na muli niyang sinipa ang gulong ng kotse
nito. “Kung hindi lang talaga ako nagmamadali ngayon.” natampal niya ang noo.
“Oo nga pala, late na ako…”
“Ako na ang humihingi ng pasensya, Janine.”
Ngumiti lang siya sa matanda. “Pakikuha na lang ng
dalawang libo ko sa taong iyon, Aling
Susan. Bayad ko na iyon sa susunod na buwan.” Sabi niya bago tinakbo ang gate
na gawa sa kawayan.
Agad siyang pumara ng de padyak. Sampung minuto rin
bago siya nakarating sa Central
University. Halos liparin na niya ang hallway makarating lang kaagad sa una
niyang subject sa semester na iyon.
“Good morning Sir, I’m sorry I’m late.” Hinihingal
na bungad niya pagkapasok pa lang sa pintuan ng classroom. Napatingin ang lahat
sa kanya. Nagsisimula na ang mga itong magpinta samantalang ang iba naman ay
gumuguhit at kumukuha ng litrato ng mga bagay na subject of interest ng mga
ito.
“Ikatlong araw pa lang ng klase pero tatlong beses
ka na ring nahuhuli sa klase Miss Lim. Congratulations, the late award will
surely be yours.” hindi napigilan ng ilan na humagikhik.
“Sorry po, Mr. Ciriaco. Hindi na po talaga mauulit.”
“Hindi na ako umaasang hindi ito mauulit dahil
sigurado akong late ka na naman bukas, Miss Lim. Go to your seat and do your
artwork number two.”
“Yes, Sir.” Napangiwi siyang umupo sa upuan niya.
“Wait Miss Lim. Where is your subject of Interest?”
Mas lalo siyang napangiwi sa tanong nito. Muli na
naman niyang naalala ang itsura ng Irvin na iyon. Naiinis na naman siya.
“W-Wala po akong nadala Sir. Nahulog kasi ang
bulaklak na binili ko kahapon-” Hindi na niya naituloy nang bigla na lang may
pumasok. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala kung sino iyon.
“Am I late?” Parang inaantok pa na tanong nito.
Hindi niya alam kung paano ito nakapag bihis kaagad.
“And who are you?” Tanong ni Sir Ciriaco rito.
Inismiran niya ito nang magtama ang paningin nila.
May ibinigay itong papel. Registration form yata
nito.
“Irvin Klein Ambrosio?” nakataas ang noong tanong ng
guro. “The photographer?.”
Nagkibit lang ito ng balikat bago muling sumulyap sa
kanya. Muli naman niya itong inismiran. Unang pagkikita pa lang ay puro kayabangan
na ang impresyon niya rito.
Pumalakpak ang teacher nila na pumunta sa
gitna. “Everyone, let’s welcome Mr.
Irvin Klein Ambrosio. Have you heard the sunset photography?” Tanong nito sa
lahat.
Nakarinig siya ng bulung-bulungan. Padabog na naupo
siya sa kanyang upuan. Wala siya planong alamin kung sino man ito. Wala siya
pakialam kung sikat o kilala man ito.
“Siya ba yung na feature sa Photography Channel, Sir
Ciriaco? Oh my god!” Unang nag react si Jonah. Ang mahilig mag-make up at
mag-lipstick nang napaka pula bilang way of expressing herself daw. Photography
ang kinukuha nitong kurso. Mahilig daw kasi itong mag selfie.
“Really? Siya ‘yung nakakuha ng perfect photo ng
sunset sa New York ayon sa mga photography analysts?” Hindi naman
makapaniwalang tanong ni Janeca, ang
babaeng gustong maging manga artists kaya pati boyfriend ay drawing na rin.
“Yes and it’s an honor for us na makasama siya sa
klaseng ito. Makakatulong siya lalo na sa mga kumukuha ng photography. Is that
right, Mr. Ambrosio?”
“Sure thing. Why not.”
Narinig niyang pumalakpak pa talaga si Jonah.
“And to begin, you can start helping us through
joining Miss Lim looking for a substitute model for her painting. Okay lang ba,
Mr. Ambrosio? Besides, kailangan mo ring gumawa ng artwork number two.
Sasabihin ko na lang mamaya sayo ang tungkol sa unang artwork para magawa mo at
makapasa ka.”
“No way!” Agad siyang napatayo. Nalaglag tuloy ang
mga brush at canvass niya. “Kaya ko naman pong magpinta kahit walang model.”
“May problema ba kung magkasama kayo? Isa pa, bagong
salta pa lamang dito sa unibersidad si Mr. Ambrosio kaya pwede mo siyang
tulungan na maging familiar dito sa atin at nang maka adjust naman siya.” Bakit
hindi na lang si Jonah ang inutusan nito total mukhang willing na willing naman
si babaeklita na samahan ang lalaking may napakasamang ugali na mag ikot-ikot
dito sa campus.
“It’s fine with me. A free tour with a four-footer
tour guide is more than fine.” Tinapunan niya ito ng matalim na tingin pero
para wala itong pakialam na nauna nang lumabas ng classroom. Gusto niyang
sumigaw na hindi eksaktong apat na tapak ang taas niya. Ilang sentemetro na
lang at five feet na rin siya. Kinulang lang siguro siya ng sampung segundong
tulog noong bata siya kaya hindi na siya umabot ng limang talampakan. Dinig pa
niya ang mahinang tawanan na mga kaklase niya. Kailan ba magkakaroon ng The
Purge dito sa Pilipinas at nang matadtad niya ng eksaktong isang libong piraso
ang mayabang na ‘yun?
“Then it’s settled. Bumalik kayo after one hour para
sa explanation ng ginawa niyo.” pagpapasya ni sir. Binalingan siya nito. “You
must thank me for letting you go with him. Magkaiba man kayo ng field ay
sigurado akong may matutunan ka pa rin sa kanya.”
Inis na pinulot niya ang mga nalaglag na gamit at
agad na sumunod dito. Lakad takbo ang ginawa niya dahil sobrang bilis nitong
maglakad. Dumeritso ito sa hagdan na papuntang rooftop. Nakabusangot na sumunod
siya rito.
Pagdating sa rooftop ay walang imik na kinuha niya
ang kanyang canvass at mga oil paints. Patalikod siyang umupo dahil ayaw niyang
tuluyang magdilim ang kanyang paniningin at bigla niya itong mahampas ng
canvass habang nag-iisip kung ano ba ang pwede niyang maipinta. Kawawa naman ang ang canvass niya lalo pa at
mahal din ang bili niya sa national book store. Maliban sa tatlong bench dito
sa rooftop ay wala na siyang nakita na pwedeng maipinta kaya wala siyang choice
kundi ang ulap na lang. The most common subject sa mga painting pero kapag
nilagyan mo ng puso ay nagkakaroon ng mas malalim na kahulugan.
Pinaghalo niya ang kulay puti at asul na oil paint
nang biglang may kumislap sa mukha niya. Halos nakalimutan na nga niyang may
kasama pala siyang iba dahil nakatuon na sa ginagawa ang kanyang buong
atensyon.
“Anong ginagawa mo?” Inis na sikmat niya rito. Wala
naman kasi itong ginawa nang maka-akyat sila sa rooftop maliban sa kunan siya
ng litrato.
“Photographer ka ba talaga o poser lang?”
“What’s your name again? Gelyn? Jenina?” tanong nito
na muli na naman siyang kinuhanan ng litrato.
“Ano ba?”
“Come on, tell me your name.”
“Janine Lim. Masaya ka na?” Inis na sabi niya bago
pinagpatuloy ang paghalo ng mga kulay.
“Janine Lim? Narinig ko na yata ang pangalan na
yan.” saglit itong nag-isip bago ngumisi sa kanya. “Janine Lim. The one who
steal billion pesos from pork barrel.”
Inis na binato niya ang paint brush dito. Parang
wala naman dito na nalagyan ng pintura ang kulay puti nitong t-shirt. Mahilig
yata ito sa puti.
“Alam mo, kung wala kang magawa sa buhay mo ngayon
at ayaw mong gumawa ng pinagagawa ni sir, bumalik ka na lang sa classroom o di
kaya ay lumipad ka papuntang mars, mag barbecue ka roon mag-isa. Distorbo ka.”
“Are women always like that? Madaling mainis kaya
ang sarap inisin.”
“And boys always like that? Magaling mang-inis kaya
nakakabiwisit. And take note the word “boy”. Iyan ang ginamit ko kasi boy means
bata. Bata mag-isip like you, in short immature.”
Lalo siyang nainis nang makitang ngumisi pa ito na
tila ba may naalala. Inirapan niya ito bago kumuha ng panibagong brush at
ipinagpatuloy ang ginagawa. Ayaw pa naman niya sa lahat ang nadidistorbo siya
habang nagpipinta. Nawawala kasi ang concentration niya kapag may gumugulo sa
kanya.
Maingat ang bawat galaw ng kamay na nagsimula siyang
puminta. Bawat paghalo ng mga kulay ay parang sagradong ritwal. Manaka-nakang
siyang tumitingin sa ulap na ginagaya. Saglit niyang nakalimutan ang mga
nangyayari sa paligid niya. Para siyang napupunta sa ibang dimensyon sa tuwing
nagpipinta siya. Pakiramdam niya ay lumilipad siya sa kakaibang mundo na siya
at canvass lang ang naroroon.
Masaya siya sa pagpipinta. Pakiramdam niya ay
ipinanganak siya para maging pintor. Kung mamatay man siya at mabuhay ulit,
hihilingin niya talaga sa Diyos na pagpipinta pa rin ang magiging talent niya.
“Are you done?”
“Ha?” Gulat na sabi niya. Masyado yata siyang nadala
sa ginagawa.
Tumingin ito sa relo.“Times up.”
Napamura siya nang mahina. Nakalimutan niyang
binigyan pala sila ng limit sa oras. Natatarantang nilagay niya sa parang
maliit na brief case ang mga gamit niya.
“I’m going first. Napakabagal mong kumilos.” Sabi
nito bago naglakad papuntang hagdan. “And don’t forget this one.” Hinagis nito
sa kanya ang brush na binato niya rito kanina. Muntik pa siyang tamaan sa mukha
kaya muli na naman siyang napamura.
“Walang modo!” Inis na sigaw niya rito. “Kung
mamalasin ka nga naman. Hindi lang isa kundi sunod-sunod pa.”
Matapos mailagay lahat sa lalagyan ang mga gamit ay
patakbong tinungo niya ang hagdan. Hindi siya sanay sa takbuhan kaya hingal na
hingal siya ng makarating sa classroom nila. Naka display na halos lahat ng
gawa ng mga kaklase niya sa blackboard. Nakatayo na rin sa harap si Irvin.
Nakasandal ito sa mesa sa gitna at hawak ang DSLR nito. Nakataas ang kilay na
tiningnan siya nito.
“As always, Miss Lim. Huli ka na naman. Dalhin mo
rito sa gitna ang gawa mo.” Utos sa kanya ni Sir Ciriaco.
Inirapan niya si Irvin ng mapadaan siya sa harap
nito.
Nilagay niya sa painting stand ang canvass niya at
akmang pupunta na sa upuan niya pero pinigilan siya ni Sir Ciriaco.
“Huwag ka munang bumalik sa upuan. Miss Lim. Take
this chance na maunang mag explain ng gawa mo. Kayong dalawa na lang ang
hinihintay namin. ”
“Po?” Hindi siya ready.
“I said explain why did you paint that.”
Napabuga siya ng hangin na tumayo sa gilid ng gawa
niya. Napatingin siya kay Irvin na nakasandal pa rin sa mesa. Para itong hari
na hindi man lang pumuwesto sa gilid.
“Well, this what I painted.” Simula niya.
“Ulap na hugis rabbit? Nasaan ang art diyan?” Sabat
ni Jonah na sinundan ng tawa.
Nakataas ang kilay na hinarap niya ito.
“Art is everything done or made by man. Artists man
or a simple layman. Sino ba ang nagsabi na bawal magpinta ng ganito? Sino ang
maysabi na hindi ito art? What about those painting na isang simpleng linya na
kulay blue lang ang disenyo pero naibenta sa milyong halaga? Lahat nagiging art
dahil sa simpleng appreciation ng mga nakakakita. Kapag hindi ka marunong mag
appreciate then, huwag kang magsalita ng hindi maganda. It’s a common etiquette
lalo na pagdating sa art. For example, sasabihin mong pangit ang lasa ng okra
kasi hindi ka kumakain niyon pero para mga taong paborito ang gulay na yun, it
tastes like heaven. Hindi porket pangit para sayo ay pangit na rin para sa iba,
Jonah. “ Nakita niya umismid lang si Jonah. Pumalakpak naman ang ilan sa mga
kaklase niya. Sina Sir Ciriaco ay amused na tinakpan ang mukha samantalang si
Irvin naman ay poker face lang. Ni wala man lang expresyon sa mukha nito. Hindi
kaya robot ito na nagpapanggap lang na tao? Try niya kayang mag espiya mamaya
baka nagcha-charge ito ng sarili tuwing gabi. Kapag tumaas talaga ang bill nila
sa kuryente ay iimbestigahan niya ito kung totoo ang hinala niya. Naalala niya
tuloy bigla ang sinabi ni Aling Susan na buong magdamag daw itong gising.
“Ito ang pininta ko dahil ito ang bagay na kaagad na
nakakuha ng interes ko pag akyat namin sa taas ng rooftop.” pagpapatuloy niya.
“For me, ipipinta ko ang unang bagay na makakakuha ng interes ko. Iyan ang isa
sa mga rules na ni-set ko as a painter.”
“Very well said, Miss Lim. Next, Mr. Ambrosio, pwede
mo bang ipakita sa amin kung ano ang nahuli ng iyong camera? I’m very excited
to see what it is.”
Agad siyang bumalik sa kanyang upuan at
nangalumbaba. Hindi siya interesado sa mga sasabihin nito.
Tumayo ito sa gitna at may nilagay na chords sa camera
nito para makita nila sa maliit na projector sa harap ang nakuha nitong
litrato.
“Well, ito ang unang bagay na nakakuha na atensyon
ko.” saglit siya nitong tinapunan ng tingin. “Actually, it started to catch my
attention since this morning.”
Muntik na siyang matumba nang bigla na lang bumulaga
sa screen ang nakakunot ang noo at nakasimangot niyang mukha. Ang kintab pa ng
kanyang mukha dahil nakalimutan na niyang mag pulbos sa kakamadali kanina.
Mukhang siyang bata na pinabayaan ng ina. Halos lahat ng mata ay automatic na
bumaling sa kanya samantalang si Irvin naman ay kay lapad ng ngisi. No,
binabawi na niya ang kanyang hinala kanina na robot ito dahil walang robot na
may napakasamang ugali.
Bigla siyang tumayo.
“Tanggalin mo iyan!” Inis na sigaw niya.
“Bakit siya? Mukha siyang natipos diyan.” narinig
niyang reklamo ni Jonah. “Sa dinami-dami ng ibon sa langit o di kaya ay langgam
bakit mukha pa niya ang nakakuha ng atensyon mo, Irvin?”
Sinamaan niya ito ng tingin. Pwede bang manakal ng
tao ngayon? Nanginginig na kasi ang mga kamay niya na sakalin ito.
“Let me explain why everyone.” kung pwede lang
maging kutsilyo ang mga titig niya ay baka kanina pa ito nagkaroon ng pakpak at
agad na lumipad para tagain ito.
“That face is priceless.”
Mas lalo niya itong sinamaan ng tingin.
“Of course it’s priceless dahil hindi naman gulay na
ibinebenta sa palengke ang pagmumukha ko para magkaroon ng presyo. Alam mo,
kung natutuwa ka sa ginagawa mo, ako hindi kaya tanggalin mo iyan ngayon din!”
“Priceless because it caught my interest.”
Nakarinig siya ng samu’t saring reaksyon mula sa
lahat. Siya naman ay saglit na natigilan. Tiningnan niya ito ng tuwid sa mata
pero matapang nitong sinalubong iyon. Seryoso ang itsura nito pero unti-unting
nagiging ngisi ang ngiting iyon.
“Unang kita ko pa lang sa kuhang iyan, pumasok
kaagad sa isip ko na bakit hindi ko ibenta ang mukhang iyan sa gumuguhit ng mga
caricature para gamitin sa editoryal? Pwede rin namang sa mga cartoonist.
Kikita ako ng malaki kapag nagkataon. Isang libo bawat guhit sa noo.”
Binasag ng malakas na tawanan ang buong classroom
nila. Pulang-pula ang mukha niya sa sobrang hiya. Nagpupuyos ang dibdib na
kinuha niya ang lahat ng gamit at nagmamadaling lumabas ng kwarto nila. Kahit
malayo na ay dinig pa rin niya ang tawanan ng lahat. Naiinis na talaga siya ng
sobra sa lalaking iyon. Wala itong karapatan na ipahiya siya gawing katatawanan
kahit na sabihin pang sikat itong photographer. Gusto niya tuloy sabunutan ang
sarili nang marealize ang ginawa niya. Well, nag walk out lang naman siya sa
klase nila. Ipupusta niya ang napaka itim na budhi ni Ambrosio, tiyak na
ipapatawag siya ni Sir Ciriaco sa faculty office dahil sa pag-alis niya nang
walang pasabi.
.jpg)
Priceless because it caught my interest. Okay bye, AHAHAHAHAAH!
ReplyDelete