Super Short Stories #1





Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman habang nakatingin ako sayo na nakatayo sa harap ng altar. Ang gwapo mo sa suot mong tuxedo. Napangiti ka pa nang makita mong nakatingin ako sayo. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Sa bawat hakbang palapit sa kinatatayuan mo ay mas lalong lumalakas ang tahip ng aking dibdib. Isa, dalawa, tatlong hakbang hanggang sa nasa harap na kita.

"Alagaan mo mama ko. Sana mahalin mo siya at hindi iiwan tulad ng ginawa ni papa. Masaya ako para sa inyo."
Hindi ko aakalain na imbes na ako ang bride ay ako yung maghahatid sa mama ko para ikasal sa lalaking nangakong ako lang hanggang sa huli.

Comments

Popular posts from this blog

LIBRARIAN'S LICENSURE EXAMINATION SEPTEMBER 2025 RESULTS

Pagtatampok ng Lemlunay, bagong Aklat ni Virgilio Almario

One Shot Story