Super Short Stories # 2

 



"Maghanap ka nga ng trabaho. Ang laki ng katawan hindi man lang naghahanap tapos manglilimos lang. Mga salot sa lipunan. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas!"
Tiningnan ko ang lalaking aking hiningian ng kahit magkano lang para sa anak kong nakaratay sa ospital. Hindi ko makakalimutan ang kanyang mukha dahil siya ang nag interview sa akin kanina nang nag apply ako bilang janitor. Sinabi niya sa akin na hindi ako matatanggap dahil kahit elementarya ay hindi ako nakapagtapos. Siya ang nagsabing mas mabuti kung manglimos na lang daw ako sa daan.

Comments

Popular posts from this blog

LIBRARIAN'S LICENSURE EXAMINATION SEPTEMBER 2025 RESULTS

Pagtatampok ng Lemlunay, bagong Aklat ni Virgilio Almario

One Shot Story