Super Short Stories #3
Bumalik ulit ako sa nakaraan sa paraang hindi ko alam para iligtas ang isang babae. Tulad ng dati ay nahanap ko siya sa kanyang silid. Nakapatong sa isang maliit na silya at hawak ang isang tali.
"Huwag! Please huwag mong gawin yan. "
Tumingin siya sa kinaroroonan ko. Umiiyak, humagulgol. Kitang -kita sa kanyang mukha ang paghihirap.
Tinangka ko siyang pigilan ngunit huli na ang lahat. Tumalon siya sa silya at ilang segundong nangisay bago tuluyang hindi na gumalaw. Nanghihina akong napaupo sa sahig. Sa ika sampung pagkakataon, hindi ko na naman nailigtas ang sarili ko.

Comments
Post a Comment