Diploma
“Hindi
ka magtatagumpay sa buhay!”
Masakit man pakinggan
pero iyon ang naging inspirasyon niya para magbanat ng buto tuwing gabi at
magsumikap maglakad ng halos tatlong kilometro araw-araw para pumasok lang sa
paaralan. Ayaw niyang matulad sa karamihan ng kanyang mga kaedad na kung hindi nag-asawa
sa murang edad ay nakontento na lang maging katulong sa Maynila.. Maliit man
siya sa paningin ng karamihan, mataas naman ang pangarap na mayroon siya.
Hinding-hindi niya makakalimutan ang araw na lumuwas siya ng Maynila para
pag-aralin ng kanyang Tiyahin. Nakayuko lang siya habang sipit ang maliit na
bag na kinalalagyan ng kanyang mga damit habang nasa unahan naman ang tatay
niya na buhat ang isang malaking plastik na may lamang kalabasa at mais. Wala
itong imik mula pa nang malaman nitong aalis na siya. Hindi kasi ito payag na
umalis siya pero hindi siya nagpapigil. Kakayanin niyang malayo sa pamilya
alang-alang sa pangarap na mayroon siya.
“Oy, saan ang punta natin, Fe?” pasigaw na tanong ni Aling Grace sa
kanya. Sa tono pa lang ng boses nito ay halata na ang pang-uuyam, tonong
katulad sa pang-iinsulto nito sa nanay niya sa tuwing hindi ito nakakabayad ng
utang. May sipit itong sigarilyo sa mga daliri at kaharap ang ilang bote ng
serbesa. Araw-araw na lang yata itong lasing mula nang sunod-sunod na mag-asawa
ang anim nitong anak na babae na
sinundan pa ng bunsong anak na lalaki na nag-asawa naman ng isang babaeng
nakilala nito sa isang sikat na kabaret sa kabilan bayan.
“Sa Maynila po, Aling Grace.” sagot niya kahit na ayaw pa sana niya
kaso ayaw niyang may marinig na namang negatibong tsismis tungkol sa kanya.
“Maynila?” umismid ito. “Naku, Frederiko sinasabi ko sa iyo, ihanda mo
na ang iyong sarili na maging Lolo dahil tiyak na uuwi ‘yang buntis matapos ang
ilang buwan.”
Tumungo lang ako. Baka kasi kapag sumagot pa siya ay luha na ang
kasunod niyon. Mahina siya sa mga ganyang bagay. Nasasaktan siya kapag
sinasabihan siya ng masasakit na salita.
“Iba si Fe, Grace.” maikling sagot ni Tatay na ikinatuwa niya. “Sige,
una na kami.”
“Mabubuntis ‘yan. Ipupusta ko ang kalahati ng lupa ko.” hindi na lang
nila ito pinansin.
Tahimik na lang ulit kaming naglakad hanggang sa sakayan ng jeep.
Paalis na ako pero tahimik pa rin si Tatay. Hindi man lang ito sumagot nang
nagpaalam na ako. Gusto ko tuloy maiyak. Gusto ko siyang yakapin at sabihin na
magtatapos ako ng pag-aaral pero nakaramdamdam ako ng pagkailang.
“Fe…” nagulat siya nang bigla itong magsalita.
“Kapag hindi mo na kaya, tumawag ka lang kay Tiya Amy mo at susunduin
kita.” anito sabay hakbang patalikod.
“Opo, Tay.” nakangiti kong sagot. Bilang gumaan ang pakiramdam ko.
Nadagdagan ang kompyansa ko sarili sa simpleng hagubilin lamang nito. Iba pala
talaga ang epekto ng salita na galing sa magulang. “Pangako ko po, hindi ako
babalik dito sa atin ng walang dalang diploma.” kahit nakatalikod ay tumango
lang ito.
Gusto niyang maiyak
sa nagbalik na kahapon sa kanyang gunita. Nakatayo siya ngayon sa harap ng
kanilang maliit na barong-barong, ang munting tahanan na siyang saksi kung
paano sila pinalaki ng maayos ng kanyang Nanay at Tatay. Kakatok na sana siya
pero biglang bumukas ang pintong kawayan at iniluwa niyon ang isa sa taong ang
tagal na niyang gustong makita at mayakap ulit.
“F-Fe?”
Ngumiti siya rito.
“Kumusta po?”
“Ikaw ba talaga
‘yan?” hindi makapaniwalang usal nito. “Dikoy! Baba ka rito, bilis!” tawag nito
kay Tatay.
“Sino ba ‘yan at-”
tulad ng nanay niya ay para bang nakakita rin ito ng isang aparisyon.
“Tay, Nay.” hindi na
niya napigilan ang sariling yakapin ang dalawa ng mahigpit. Halos ayaw na niya
ang mga itong bitawan dahil natatakot siya na baka nasa loob lang siya ng isang
napakahabang panaginip na isang iglap lang ay maglalaho at babalik sa reyalidad
na senaryo ng buhay.
“Bumalik ka.”
garalgal ang boses na sabi ng tatay niya matapos ang isang mahabang yakapan.
Mula kasi ng umalis siya ni minsan ay hindi siya nakauwi at halos limang taon
din bago niya muling nakita ang mga ito.
“Punasan mo nga iyang
luha mo, Dikoy. Para kang uhuging bata sa kalsada.” biro ng Nanay niya. Natawa
tuloy siya. “Alam mo kasi, Fe. May kumakalat na balita rito sa atin na ano ka
araw. Paano ba ire? Hindi ko alam kung paano ko sasabihin.” kinuha niya ang mga
kamay nito at ngumiti.
“Alam ko po iyon at
alam ko rin kung paano nagwala si tatay sa harap ng bahay nina Aling Grace.
Wala na po akong pakialam sa nakaraan dahil mas importante ang ngayon at kung
ano ang naghihintay sa atin sa hinaharap. Mas matimbang po sa akin na malamang
may tiwala kayo sa akin. Ang tiwala niyo na kasingtibay ng adhikain kong
mabigyan kayo ng magandang buhay.”
“Hindi ka man lang
tumawag sa amin. Isang beses ka lang nagpadala ng sulat.” himig nagtatampong
saad ng tatay niyang nagpupunas pa rin ng luha sa mata.
“Pasensya na po.
Halos wala po kasi talaga akong libreng oras doon maliban na lang kapag oras na
ng pagtulog. Ibang-iba po ang buhay sa Maynila.”
“Ano ka bang matanda
ka? Kung kailan ka tumanda ay doon ka naging matampuhin. Hindi ba dapat ay
ipaghanda na muna natin ng makakain itong si Fe?”
“Sandali, kukunin ko
muna sa kulungan ang isang tandang natin.” tatayo na sana ito pero agad niya
itong pinigilan.
“Huwag na po. Hindi
naman po kasi ako magtatagal dito.”
“A-aalis ka kaagad?
Kadarating mo lang, Fe. Hindi ba pwedeng magtagal ka naman dito sa atin kahit
ilang araw lang?”
“Una sa lahat, gusto
ko po munang humingi ng tawad dahil gustuhin ko mang manatili rito ay kailangan
po ako doon sa Maynila. Doon ko na po kasi balak tumira kasama ang mga
importanteng tao sa buhay ko at gusto ko pong bumalik na kasama kayo.”
“May asawa ka na?
Bakit hindi mo man lang sinabi?” gulat na tanong ng nanay niya, habang ang
tatay naman niya ay sabay na nalaglag ang dalawang balikat. Wala na ang galak
sa pisngi na kanina lang ay para bang hindi na matatanggal pa. Lahat ng saya ay
naglaho na parang bula. Alam niyang magugulat ang mga ito. Pero ito ang
kabayaran sa lahat ng hirap na nalagpasan niya. Muling nanumbalik sa kanyang
isipan ang nakaraan.
Noong una ay balot ng
pangamba ang buo kong sistema lalo na ng kailangan pa niyang sanayin ang
sariling magsalita ng tagalog. Noon lang niya nakilala ang bunsong kapatid ng
Nanay niya at hindi niya alam kung paano ito pakisamahan.. May mga panahon na
pumapasok na sa kanyang isip na umuwi na lan kasi hindi na niya kaya pero
maalala pa lang niya ang magaspang na palad ng Tatay at sunog na balat ng Nanay
niya, agad niyang tinatapik ang sariling balikat. Sinasabi niya sa sarili na
wala pa sa kalahati ng hirap ng mga magulang ang pinagdadaanan niya.
Minsan, gustong-gusto
niyang hilahin ang buwan para gabi na at magkakaroon na siya ng oras para
umiyak. Iniiyakan niya ang mga bagay na ngayon ay alam na niya ang dahilan kung
bakit siya binigyan ng Maylalang ng ganoong pagsubok, para ihanda siya sa mas
mahirap na parte ng pagiging tao.
Habang tumatagal, ang
mahirap na parte ay nagiging madali lalo na kung hindi mo hahayaang lunurin
nito ang iyong isip. Ang malulungkot na sandali ay napalitan ng matibay na
loob. . Dahil sa buhay, dapat handa kang harapin ang katotohanang, kapag mahina
ka, hindi mo malalagpasan ang napakaraming pagsubok. Dapat malakas ang loob.
Dapat mataas ang tiwala sa sarili at pursigido sa bwat hagupit ng malupit na
bagyo ng buhay. Ang buhay ay isang napakasamang bangungot at oras na magising
ka na sa katotohanan na ikaw ang gumagawa ng sarili mong kwento.
“Kung pwede po sana,
doon na tayo dumaan sa sa harap ng bahay nina Aling Grace?” Hindi pa rin niya
sinasabi ang totoo sa mga ito.
“Kung iyan ang gusto
mo.” Hindi pa rin ang mga ito gaanong umiimik. Hindi na niya pinadala ang mga
ito ng maraming damit. Tahimik lamang silang naglalakad.
“Uy Fe? Ikaw na ba
yan?” Tulad ng dati, alak pa rin ang nasa harap nito. “Kumusta? Ilan na ang
anak natin?” sabi nito kasunod ng malakas na tawa.
Nakangiting lumapit
siya sabay abot ng isang piraso ng papel. “Maayos po ang lagay ko, Aling Grace.
Siyangapala, isasama ko na po sila Nanay at Tatang sa Maynila para doon na
tumira. Tapos na po ako sa pag-aaral at kasalukuyang nagpapatayo ng sariling
negosyo roon. At ang papel na hawak niyo ang aking diploma.” aniya sabay harap
sa kinaroroonan ng mga magulang na hindi makapaniwala sa narinig. Iyon ang
sorpresa niya sa mga ito. Isang bagong buhay. “Siyanga pala, salamat po dahil
isa kayo sa mga tao na naging inspirasyon ko. Ni minsan ay hindi po ako
nagtanim ng sama ng loob s dahil ipinamulat niyo po sa akin ang katotohanan sa
buhay. Maraming salamat po.
Hindi ito
nakapagsalita ngunit may butil ng luha na tumulo sa mga mata nito.
.png)
Comments
Post a Comment