Kweba
Buwan ng Marso. Araw ng biyernes. Huling araw bilang estudyante sa high school ang magkakaibigang sina Izza, Nestle, Elmer, Nea at Nygel. Halos wala na nga yatang klase dahil halos lahat ng kanilang mga guro ay abala na para sa preparasyon ng nalalapit nilang graduation kaya tambay na muna sila sa paborito nilang tambayan. Abala sila sa kung saan sila gagala sa darating na sabado. Dalawang linggo pa kasi bago sila mag-martsa. Ang ingay-ingay nilang lima dahil halos lahat ay may kanya-kanyang gustong puntahan. “Guys naman! Malayo ang Palawan at tsaka may budget na ba kayo? Ang mahal kaya ng ticket papunta doon.” Agad na reklamo ni Nygel kaya tiningnan siya ng masama ni Nestle dahil siya ang suggest. Hindi nila alam kung ano ang mayroon sa dalawang iyan. Minsan sweet, pero madalas parang aso at pusa na palaging nagbabangayan. ...