Camilla
Camilla
Bagong
bahay means bagong buhay. Pakiramdam ni Eula ay isa siyang ibon na ilang taon
ding nakakulong at ngayon ay malaya nang makakalipad sa kahit saan man niya
gustuhin. Magagawa na niya lahat ng kanyang naisin. Maganda nga talaga kapag
may sarili ka nang trabaho at kumikita na dahil para na iyong pintuan para sa
mas exciting ngunit fulfilling na buhay. Ikaw na ang magdedesisyon sa kung
anong uri ng future ang gusto mong buuin. Mas mararamdaman mong ikaw na ikaw
ang sarili mo.
Nakangiti
siyang umupo sa bagong bili niyang couch. Maliit lang iyon kung tutuusin.
Dalawang tao lang ang kasya. Hindi rin kalakihan ang bahay na nabili siya
murang halaga dahil ayon sa agent na kanyang naka-usap ay aalis na raw
papuntang abroad ang dating may-ari kaya
ibenenta na lamang sa murang halaga at madalian pa talaga. Gawa sa matibay na
kahoy ang bahay. Ayon sa kanyang narinig mula kay Vince, ang agent na nagbenta
sa kanya ng bahay ay panahon pa raw ng kastila itinayo ang bahay. Ilang beses
nga lang ni-renovate para magmukhang bago ngunit nasa itsura pa rin nito ang
unique na structure at katangian nga mga bahay na itinayo noong Spanish era. Dalawa ang kwarto at isang banyo.
Mayroon ding kusina na mas malaki pa sa salas. Mukhang mahilig magluto ang
dating may-ari ng bahay dahil makikita rin sa kabuuan niyon. Maraming kahon na
maaaring paglagyan ng mga gamit kusina. May mga nakausli pang lagayan ng mga
sandok na kulay ginto at sa ibabaw naman maliliit na parahibang lagayan ng mga
kutsilyo. Bawat dekorasyon yata sa kusinang iyon ay detalyadong pinag-isipan ng
may-ari. Pinakagusto niya sa lahat ay ang chandelier na nakasabit sa
pinakagitnang bahagi ng kisami. Hugis bilog iyon na may disenyong parang bulalakaw
na nahuhulog sa lupa. Kung hindi nga lang siya nakaramdam ng pangangalay ng
leeg sa kakatingala sa itaas ay hindi pa niya tatanggalin ang kanyang paningin
mula doon. Sa gitna naman ay may malaking kahoy na mesa na halatang ilang taon
na ring ginagamit dahil sa dami na ng gasgas at bakas ng hiwa roon pero andun
pa rin naman ang sinasabi nilang elegance. Pasalamat nga siya at may ibang
gamit pang iniwan doon ang may-ari para magamit din naman niya. Sa kanyang
kwarto naman ay may malaking kama sa gitna at lumang tukador na may malaking
salamin na may disenyong bulaklak. Amaze na amaze nga siya habang tinititigan
iyon ng mabuti kanina. Ang unique kasi ng pagkakagawa . Ilan din iyon sa mga
gamit na naiwan ng may-ari. Sabi ni Vince at gamit talaga iyong ng naunang
may-ari ng bahay. Hindi na dinadala ng mga sumunod na nagmay-ari ng bahay dahil
sa sobrang bigat niyon. Halos limang hanggang walo katao pa yata ang kailangang
magtulungan bago mabuhat ang mga
kasangkapan ayon pa rito.
“Hello
home. My name is Eula. What about you?” Parang timang na kausap niya sa sarili.
“I hope na magkakasundo tayong dalawa.”
Mi
amor… Camilla…
Nagtayuan ang kanyang balahibo
dahil sa malakas at malamig na ihip ng hangin mula sa nakabukas na bintana.
Nakalimutan yata niyang isara matapos mag-ayos ng kanyang mga gamit kanina.
Napatingin siya sa lumang orasan na nakasabit sa dingding. Ang mga kamay niyon
ay nakatigil sa oras na alas dose y medya.
“Adik..” Napatik niya ang sariling
noo nang maaalalang sira nga pala iyon.
Tumayo siya at tinungo ang kwarto.
Doon kasi niya naiwan ang bag niya kanina. Kinuha niya ang cellphone at
tiningnan ang kung anong oras na. Alas-diyes. Ang bilis ng oras. Parang kanina
ay alas-otso lang ng umaga. Gusto pa sana niyang magluto ng binili niyang
sariwang bangus kanina ngunit naisip niyang magpadeliver na lang ng Jollibee. Isa
pa, gabi na masyado. Baka abutin pa siyang hating-gabi kung magluluto pa siya.
Palabas na sana siya ng kwarto nang
may mahagip ang kanyang peripheral vision sa salamin na parang may dumaan.
Kunot ang noong tiningnan niya ang
apat na bahagi ng kanyang kwarto. Imposible namang pusa iyon dahil sarado ang
bintana.
Mi
amor… Camilla…
Muli siyang nakaramdam ng
panlalamig.
“Pagod lang ‘yan, Eula.” Tinapik
niya ang sariling balikat. Hindi kasi siya ang tipo ng tao na madaling maniwala
sa mga bagay-bagay na wala naming proof kung nage-exist nga ba talaga o hindi.
Nag-order lang siya ng isang
spaghetti na may kasamang hamburger. Hindi naman kasi siya malakas kumain. Kaya
nga niyang mabuhay kahit dalawang itlog lang ang kainin sa buong araw. Ilang
minuto lang ang may nag doorbell na. Iyan talaga ang gusto niya sa fastfood na
ito kasi hindi delayed ang delivery.
“Good evening, Maam. This is your
Jollibee delivery.” Iniabot nito sa kanya ang supot ng kanyang inorder. “I
receive 500. 410 po ang change niyo, Maam.” Matapos nitong maiabot ang sukli
niya ang napatingin ito sa kanyang likuran.
“Thanks.”
“Ang pogi ni sir ah. Magandang gabi
po sa inyo.” Wika pa nito bago umalis. Naiwan naman siyang nakakunot ang noo.
Napatingin na rin siya sa kanyang likuran. Pinagloloko ba siya ng delivery boy
na ‘yun?
“Adik ‘yun a.” napailing na lamang
siyang sumalampak sa couch. Ngayon lang siya nakaramdam ng matinding gutom.
Hindi nga inabot ng kinse minutos at naubos na niya ang kanyang inorder.
Nagpahinga lang siya saglit bago naligo. Ilang minuto lang din ulit ang lumipas
bago siya nakatulog.
Mi
amor… Camilla…
Napabalikwas siya ng bangon. Hindi
niya alam pero may kung anong boses na bumulong sa kanya. Ang klase ng boses na
parang sinasakal siya. Mas lalo niyang naramdaman ang lamig na dala ng hanging
disyembre. Kinuha niya ang cellphone at tiningnan kung anong oras na.
“Twelve-thirty…” mahinang anas
niya. Ibig sabihin ay isang dalawang oras at kalahati palang siyang nakaidlip.
Matutulog n asana siya ulit ngunit bigla siyang nakadama ng uhaw. Kusot ang mga
inaantok na matang lumabas siya ng kwarto. Tinungo niya ang maliit reef at
kumuha ng isang basong tubig.
Mi
amor… Camilla…
Muntik na niyang mabitawan ang
hawak na baso. Tumingin siya sa paligid. Ayaw niyang matakot ngunit ang mabilis
na tibok na mismo ng kanyang puso ang nagtaksil sa kanyang isip.
“Mi amor Camilla.” Hindi niya alam
pero bigla na lamang iyong lumabas sa kanyang bibig. “Who the heck is Camilla?”
mahinang tanong niya sa sarili habang inaalala kung kalian o saan ba niya
narinig ang mga salitang iyon pero walang pumapasok sa utak niya. Muli niyang
pinilig ang ulo. Inisip na lamang niya na marahil ay ganoon talaga ang
nagyayari kapag nagsolo na. Kung anu-ano na lang ang pumapasok sa isipan para
takutin ang sarili.
Pabalik na sana siya ng kwarto dala
ang isang baso ng tubig nang bigla na lamang tumunog ang lumang orasan sa
salas. Muntik pa niyang mabitawan ang hawak na baso sa sobrang gulat.
“What the f-“ bigla siyang
natigilan. That century old pendulum clock is not functioning anymore!”
Mi
amor… Camilla…
Napahawak siya sa leeg dahil sa
malamig na hanging dumampi doon. Muling tumunog ang orasan. Mas malakas at mas
nakakatakot pakinggan. Ayaw niyang mag-isip ng kung anu-ano pero aminin man
niya sa hindi ay nanginginig na talaga sa takot. Dali-dali niyang tinungo ang
kwarto at kinuha ang cellphone. Dinial niya ang numero ni Vince. Kagat-kagat
ang mga kukong sumiksik siya sa gilid ng kanyang kama. Ring lang ng ring sa
kabilang linya.
“Answer the phone please…” mahinang
usal niya. Ilang sandali pa ay may boses
siyang narinig mula roon. “Vince? Hello? Vince?”
“Mi amor, Camilla…” bigla niyang
nabitawan ang cellphone. What the hell is happening here?
“Mi amor, Camilla…” umalingawngaw
sa apat na sulok ng silid ang tinig na animo’y nagmula pa sa ilalim ng lupa.
“Stop it!” malakas na sigaw niya.
Nagsimula na siyang manginig sa sobrang takot. Naluluha na rin siya. “Sino ka
ba? If this is a joke, I’m telling you, it’s not funny kaya tumigil ka na!”
Mi
amor… Camilla…
Biglang bumukas ang mga kahon ng
lumang tukador kasunod niyon ang malalakas na ingay na parang nagbagsakang mga
kagamitan sa labas ng kwarto. Panay din ang tunog ng orasan sa labas na mas
lalong dumagdag sa takot na nararamdaman niya ngayon.
“Ahí estás, Camilla…su esposa..”
“Anong? Ahhh!!!” tili niya nang may
humaplos sa kanyang pisngi. Sa sobrang pag-atras niya ay nahulog pa siya sa
kabilang side ng kama.
“Mi Camilla.” Lumakad ito palapit
sa kanya. Nakasuot ito ng magara ngunit sinaunang kasuotan. Hindi rin ito
mukhang Pilipino dahil sa itsura nito. Kulay brown ang buhok at matangos ang
ilong. “Estás de vuelta.” Akma nitong
hahawakan ang kanyang pisngi ngunit mabilis siyang umiwas at gumapang palayo
mula rito. Ayaw man niyang maniwala but ghosts are real! Totoo sila at ang isa
ay nasa mismong harapan niya!
“H-Hindi ako si Camilla!” sigaw
niya sa kastilang multo sabay tayo at patakbong tinungo ang pinto.
“No puedes escapar de mí, Camilla! Eres
mío!” sinakop ng galit nitong boses ang buong kabahayan.
“T-Tulong!” ilang beses niyang
sinukang buksan ang pinto ngunit ayaw
bumukas. Halos hindi na rin gumagana ang utak sa kung ano ang dapat gawin.
“Eres mío, Camilla!”
“Shit! Shit!” hindi niya alam kung
beses na ba siyang nagmura dahil sa sobrang takot at pagkakataranta. “Ano ba ang kailangan mo? Hindi ako si
Camilla!”bulyaw niya rito.
“Camilla…” lumulutang na lumapit
ito sa kanya. “Tu nombre es Camilla.”
“Tama na!” muli siyang nagtatakbo
paputang kusina. Agad niyang kinuha ang kutsilyo pero agad din iyong binitawan
nang marealize na kahit ilang kutsilyo pa ang isaksak niya ay wala iyong laban
sa multong nagpupumilit na siya si Camilla. Para siyang nauupos na kandilang
naupo sa sahig. Tinakpan niya ang magkabilang tenga at nag-usal ng kung
anu-anong panalangin.
“Mi amor, Camilla…”
“Tama na! Tama na… maawa ka. Please
Lord. Help meee. Ayoko na”
Mi
amor… Camilla…
“Iha? Eula?! Buksan mo ang pinto!”
bigla siyang natigil sa pagdarasal dahil sa malalakas na katok mula sa labas.
“A-aling Rosing?” ang kapitbahay
niyang matanda na nakilala niya kanina. “Aling Rosing!” patakbo niyang tinungo
ang pinto. Gusto niyang maglupasay sa tuwa nang mabuksan niya iyon. Agad niyang
niyakap ang matanda habang umiiyak ng
malakas. Naalala niya ang sinabi nito sa kanya kaninang umaga.
“Huwag
mo nang ipagpatuloy ang paglipat, Iha. May dalang malas ang bahay na iyan.”
Kinabukasan ay nagtungo siya ng
opisina UT Properties. Hinanap niya si Vince ngunit wala raw silang agent na
may ganoong pangalan. Natigilan lamang ang babaeng napagtanungan niya nang
banggitin niya ang address ng bahay na kanyang nabili.
“Hindi na po namin iyon benebenta,
Ma’am. Marami na po kasing buyer ang umaalis doon kahit isang beses palang
silang natulog doon. Ayon nga po sa kanila ay may kung anong kababalaghan sa
bahay na iyon.” Natigilan siya sa sinabi nito. “Teka, naalala ko na po. Ang pangalan
yata ng may-ari ng bahay na iyon ang kastilang mag-asawa. Senor Vincente at
Senora Camilla po yata ang pangalan nilang dalawa. Tragedy nga po ang lovestory
nila dahil dahil nagkagusto sa ibang lalaki ‘yung babae. Nagtangka pa nga
yatang tumakas kaso nahuli siya ‘nung Senor Vicente at kinulong sa bahay na
iyon.
Muling nagtayuan ang kanyang mga
balahibo. Her full name is Eula Camilla!
Comments
Post a Comment